Naghain ng panukalang batas ang mga miyembro ng Makabayan Bloc para maisama ang gasolina, diesel, at iba pang petroleum products sa listahan ng prime commodities sa ilalim ng Price Act.
Inihain ang House Bill 8765 nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago, at Kabataan Rep. Renee Louise Co.
Kapag naaprubahan, maaari nang mapatawan ng price freeze ang mga produktong ito sa panahon ng state of calamity o state of emergency.
Ayon sa mga mambabatas, lalakas ang kapangyarihan ng gobyerno na magtakda ng price ceiling at maiiwasan ang malawakang price manipulation lalo’t direktang nakaaapekto ang presyo ng langis sa pamasahe, singil sa kuryente, at presyo ng pagkain.
ADVERTISEMENT
Nananawagan din ang Makabayan sa pagpapawalang-bisa ng Oil Deregulation Law.

