PoliticsLatest News

Korapsyon at inflation, pangunahing batayan ng tiwala o pagdududa ng taumbayan kina Marcos Jr. at Duterte

Lumabas sa pinakabagong Pulse Asia Survey ang mga dahilan kung bakit nagtitiwala o nagdududa ang mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Giselle Crazo · · 1 min read

Lumabas sa pinakabagong Pulse Asia Survey ang mga dahilan kung bakit nagtitiwala o nagdududa ang mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ayon sa survey, patuloy na nagtitiwala ang taumbayan sa pangulo dahil sa kaniyang kampanya laban sa korupsyon, pero duda pa rin ang marami dahil sa pagkabigong makontrol ang inflation at labanan ang kriminalidad.

Para naman kay Vice President Sara Duterte, lumabas sa survey na nagtitiwala sila sa bise dahil matulungin, may paninindigan at mabilis umaksyon.

Gayunpaman, duda pa rin ang marami kay VP Sara dahil hindi niya nasasagot nang maayos ang misuse ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

ADVERTISEMENT

Sangkot din anila si Vice President sa mga katiwalian maging ang pagmumura at pagbabanta sa administrasyon at mga kritiko niya.

Isinagawa ang Pulse Asia Survey noong Pebrero 27 hanggang Marso 2 sa mahigit isanlibong respondents na may plus or minus 2.8 percent margin of error sa 95 percent confidence level.

What do you feel about this article?