PoliticsLatest News

Impeachment, hindi sagabal sa serbisyo publiko ng Kamara — Rep. Luistro

Tiniyak ni House Committee on Justice Chairperson Rep. Gerville Luistro na hindi mapuputol ang serbisyong publiko ng Kamara sa kabila ng paggulong ng pagdinig sa impeachment complaints ni Vice President…

Newslight · · 1 min read

Tiniyak ni House Committee on Justice Chairperson Rep. Gerville Luistro na hindi mapuputol ang serbisyong publiko ng Kamara sa kabila ng paggulong ng pagdinig sa impeachment complaints ni Vice President Sara Duterte.

Ipinahayag ng House Committee on Justice na ang Kamara ay patuloy na naglilingkod sa publiko habang pinananagot ang mga opisyal.

Siniguro rin ng mga ito na sa gitna ng mga paggulong at pagsusuri sa mga may kapangyarihan, nananatili ang pansin sa mga hamong dinaranas ng karaniwang Pilipino.

Aniya, ang institusyon ay buong kamalayan na ginagampanan ang dual duty nito na panagutin ang mga opisyal at pagsilbihan ang publiko na nagtiwala sa Kamara.

ADVERTISEMENT

Matatandaan na ipinagpatuloy pa rin ng komite ang presentasyon ng mga ebidensya at testimonya kaugnay sa impeachment complaints ni Vice President Sara Duterte sa kabila ng hindi nito pagdalo kahapon, Marso 25. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?