News LightLatest News

Traffic volume sa EDSA, bumaba bunsod ng taas-presyo sa gasolina

Bumaba umano ng 8 percent ang bugso ng trapiko sa EDSA dahil pa rin sa nagtataasang presyo ng petrolyo, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Newslight · · 1 min read

Bumaba umano ng 8 percent ang bugso ng trapiko sa EDSA dahil pa rin sa nagtataasang presyo ng petrolyo, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Batay kay MMDA Gen. Manager Nicolas Torre III, napag-alaman ito simula nang isagawa ang behavioral count noong Lunes.

Pinag-aaralan na rin umano ng ahensiya ang iba pang sanhi nito bukod sa mahal na petrolyo.

Katumbas umano ng 20,000 hanggang 30,000 na kabawasan ng sasakyan sa EDSA ang percentage.

ADVERTISEMENT

Samantala, inanunsyo din ng MMDA na hindi muna kasali sa truck ban at coding ang mga tanker at sasakyang nagdadala ng langis at basic commodities.

Dahil umano ito sa request ng Department of Trade and Industry at Department of Energy na pabilisin ang pagde-deliver ng petroleum products at iba pang produkto. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?