Idineklara na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang taon na state of national energy emergency sa bansa.
Kaugnay pa rin ‘yan sa nararanasang pandaigdigang krisis sa langis dahil sa digmaan sa pagitan ng US, Israel, at Iran.
Nitong Martes ng gabi, pinirmahan na ni Marcos Jr. ang Executive Order No. 110 na pormal na deklarasyon ng national energy emergency.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pangulo, ang deklarasyon ay dahil sa panganib na maging critically low ang supply ng langis at energy sa bansa.
Hakbang aniya ito ng pamahalaan para i-manage ang nalalabing langis at energy.
Sa ilalim ng executive order, maaari nang bumili ng langis ang Department of Energy at Philippine National Oil Company nang hindi dumadaan sa mabagal na proseso ng bidding.
ADVERTISEMENT
Para naman masiguro ang supply ng langis, maaari na silang magbayad ng higit 15% advance payment.
Maglalaan rin ang pamahalaan ng ₱20 billion para bumili ng 2 milyong bariles ng diesel bilang buffer stock.
Magkakaroon rin ng mas mahigpit na monitoring kontra hoarding at hindi makatuwirang pagtaas ng presyo.
ADVERTISEMENT
Tatagal ng isang taon ang national energy emergency liban na lamang kung babawiin ito agad ni Marcos Jr.

