PoliticsLatest News

Sen. Legarda, uminit ang ulo sa pagkaantala ng pagdating ni DOE Sec. Garin sa pagdinig ng Senate committee

Uminit ang ulo ni Senadora Loren Legarda sa hindi pagdalo ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin sa unang pagdinig ng Senate ad hoc committee sa pagtugon ng gobyerno…

Ace Cruz · · Updated · 2 min read

Uminit ang ulo ni Senadora Loren Legarda sa hindi pagdalo ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin sa unang pagdinig ng Senate ad hoc committee sa pagtugon ng gobyerno sa krisis sa Middle East.

Sa pagdinig sa Senado nitong Martes ng umaga, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng ad hoc committee, na nagpadala umano si Garin sa kanya ng iskedyul sa araw ng Martes kaya hindi siya makakadalo sa pagdinig dahil sa pulong sa Palasyo.

Sa halip, ilang opisyal lang ng ahensiya ang ipinadala.

Napatayo pa sa kaniyang upuan si Legarda nang kastiguhin ang ilang energy officials.

Sinisi kasi ng ilang opisyal ang Senado kung bakit hindi nabigyan ng congressional approval ang hiling na dagdag-budget ng Philippine National Oil Company dahil nag-break na ang sesyon ng Senado.

ADVERTISEMENT

Pasado ala-1 na ng hapon nang dumating sa pagdinig si Garin na sinigurong walang dapat ikabahala sa supply ng langis sa bansa sa kabila ng pagkabahala ng consumers sa walang awat na pagsirit ng presyo nito.

Aminado naman ang Department of Agriculture (DA) na may epekto ang mataas na presyo ng langis sa transportation cost ng bigas, manok, baboy at iba pang bilihin.

What do you feel about this article?