Hindi lamang paboritong libangan ng mga bata noon at ngayon, larangan na rin na pinangungunahan ng mga Pilipino ang yoyo!
‘Yan ay matapos itanghal na kampeon sa Asia-Pacific Yo-Yo Open 2026 ang Pinoy yoyo professional player na si Miggy Hizon.
Nakuha ni Miggy Hizon ang gold medal sa kompetisyon na ginanap sa Singapore.
Pinamalas ni Hizon ang kaniyang pambihirang yoyo skills na kinilala na rin noon sa iba pang pandaigdigang entablado.
ADVERTISEMENT
Kasama ni Hizon ang iba pang Filipino players na humarap sa mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Ang Asia-Pacific Yo-Yo Open 2026 ay prestihiyosong kompetisyon na sumusukat sa husay ng mga manlalaro sa pagkontrol at paggamit ng yoyo.

