Paiiralin ngayon sa bayan ng Gumaca, Quezon ang pagbabawal sa paggamit ng vape at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Dahil dito, inatasan ni Mayor Webster Letargo ang kapulisan na higpitan ang pagpapatupad ng Executive Order No. 26 at Republic Act No. 11900 upang mahuli ang mga lalabag sa batas.
Base sa Kautusang Bayan Blg. 13-2011, bawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar at sasakyan.
Habang ang Kautusang Bayan Blg. 22-2011 ay nagpapataw ng multa sa mga menor de edad at kanilang mga magulang, na aabot sa ₱2,500 at pagkakakulong.
ADVERTISEMENT
Kalakip din sa kautusang bayan na maglagay ng babala ang bawat mga tanggapan at tindahan ng “No Smoking” sapagkat sobrang delikado ang paglanghap ng secondhand smoke.
Layunin umano ng kautusang ito na maibabalik ang sariwang hangin sa kapaligiran at mapangalagaan ang kalusugan ng buong pamayanan. (Kevin Pamatmat/News Light)

