Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mananatiling nasa ligtas na antas ang tubig sa Angat Dam sa mga susunod na buwan sa kabila ng mas mainit na panahon.
Ayon kay Manager Patrick Dizon, bagama’t bumababa na ang water level, hindi pa ito inaasahang aabot sa kritikal na antas na 160 meters.
Samantala, sa ngayon, nasa 199.52 meters ang water level ng Angat Dam.

