WeatherLatest News

Easterlies, magdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa Luzon

Magdadala ng mainit at maalinsangang panahon ang easterlies sa Luzon habang kalat-kalat na pag-ulan ang dala nito lalo na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Newslight · · 1 min read

Magdadala ng mainit at maalinsangang panahon ang easterlies sa Luzon habang kalat-kalat na pag-ulan ang dala nito lalo na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Asahan ang maulap na papawirin na may pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, Romblon at Marinduque.

At sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, asahan ang maaliwalas na panahon na may init at alinsangan lalo na sa tanghali hanggang hapon.

Mababa naman ang tsansa ng mga pag-ulan at maaaring isolated rainshowers lamang ito o panandaliang buhos ng ulan.

ADVERTISEMENT

Sa Northern at Eastern Samar, asahan ang mga pag-ulan dulot ng easterlies. Ngunit sa Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, asahan ang maaliwalas, mainit, at maalinsangang panahon sa tanghali at hapon, at localized thunderstorms naman sa hapon at sa gabi. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?