News LightLatest News

₱1 RoRo terminal fee sa mga Class 3 at 4 vehicles na may dalang agri products, inilunsad ng DOTr sa mga port area simula April 15

Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang “Isang Piso” o pisong RoRo terminal fee para sa mga Class 3 at Class 4 vehicles na may kargang agricultural products sa pantalan…

Newslight · · Updated · 1 min read

Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang “Isang Piso” o pisong RoRo terminal fee para sa mga Class 3 at Class 4 vehicles na may kargang agricultural products sa pantalan simula ika-15 ng Abril.

Ayon sa DOTr, ito ay bunsod ng mega oil price hike, at sa paglulunsad nito sa mga port areas o pantalan ay magbibigay ginhawa sa mga mangangalakal upang hindi biglang itaas ang mga produktong agrikultural.

Ang pisong terminal fee para sa mga Class 3 at 4 vehicles na may dalang agri products ay tatagal ng anim na buwan o hanggang Setyembre lamang.

Aabot sa ₱65 hanggang ₱516 ang binabayaran ng mga partikular na sasakyan para lamang sa terminal fee na magiging piso na lang ito kung sakaling maging epektibo sa Abril 15. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?