Inimbitahan ng House Committee on Justice si Vice President Sara Duterte para personal na dumalo sa impeachment hearing na nakatakda sa March 25.
Layunin ng pagdinig na itakda ang mga panuntunan o ground rules at simulan ang paunang pagtalakay sa mga reklamong impeachment na inihain laban sa bise.
Kabilang sa agenda ang “Discussion on Impeachment Hearing Ground Rules” at ang “Initial Hearing on the Impeachment Complaints” mula sa dalawang grupo ng complainants.
Tatalakayin din ang iba pang mahahalagang usapin, tulad ng pag-aksyon sa mga nakabinbing mosyon, kabilang ang mga kahilingan para sa subpoena, pagtatakda ng schedule ng mga susunod na pagdinig, at pagtukoy sa mga iimbitahang resource persons at testigo.
ADVERTISEMENT
Inaasahang isasagawa ang unang full hearing sa April 14. (Pink Feliciano/News Light)

