Good NewsLatest News

Philippine Deer, nakita muli sa Marinduque matapos ang ilang dekadang local extinction

Kinumpirma ng Marinduque Wildlife Sanctuary Protected Area Management Office na namataan ang Philippine brown deer o Rusa Marianna sa ilang bayan ng lalawigan.

Carlene Latuna · · 1 min read

Nagbabalik at muling namataan ang Philippine deer sa Marinduque makalipas ang ilang dekada ng inakalang local extinction o pagkawala nito, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kinumpirma ng Marinduque Wildlife Sanctuary Protected Area Management Office na namataan ang Philippine brown deer o Rusa Marianna sa ilang bayan ng lalawigan.

Endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas ang Philippine deer.

Ito ay nakalista bilang “vulnerable” sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List at itinuturing na endangered ng DENR.

Kaya paalala para sa mga residente na malapit sa mga lugar kung saan namataan ang Philippine deer, huwag itong lapitan, pakainin, habulin, at saktan.

ADVERTISEMENT

Maghinay-hinay rin sa pagmamaneho sa mga lugar na maaaring tawiran ng wildlife at iwasan ang gawaing makakasira sa kanilang tirahan.

Ayon sa DENR-MIMAROPA, patunay ang muling paglitaw ng Philippine deer na ang kalikasan ay nabubuhay at may kakayahang magpanumbalik ng inakalang extinct na species, kaya pangalagaan ito at huwag abusuhin.

What do you feel about this article?