Malakihang pagtaas ng presyo ng langis ang inaasahan ngayong linggo habang patuloy ang krisis sa Middle East.
Batay sa tantya ng oil industry source, posibleng tumaas ng P16 hanggang P18 ang kada litro ng diesel, P9 hanggang P11 naman sa kada litro ng gasolina, at P15 hanggang P18 naman sa kada litro ng kerosene.
Kaya naman posibleng umabot sa P130 kada litro ang diesel at lumampas na sa P100 kada litro ang gasolina sa ilang gasolinahan.
Pero giit ng Department of Energy (DOE), may sapat na supply ng langis ang bansa pero nagbabala ito laban sa hoarding dahil maaari itong makaapekto sa supply lalo na para sa mga pampublikong sasakyan.

