Sa darating na Abril, ilulunsad ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan ang ‘Patriotic Tourism’ na layong palakasin ang pagmamahal sa bayan at suportahan ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Kalayaan Vice Mayor Maurice Phillip Albayalde, layon ng tours na magising ang pagkamakabayan ng bawat Pilipinong bibisita sa isla.
Sa ilalim nito, bibigyang-pansin ang buhay ng mga residente sa isla, ang magandang tanawin nito, at maging ang realidad na ikinahaharap sa gitna ng pagbabanta ng China.
Sa ngayon, nakalaan ang tour para sa mga residente ng Palawan, ngunit pinaplano na rin itong ialok sa mga hindi residente.
ADVERTISEMENT
Kung nais makasama sa tour, makipag-ugnayan lamang sa Kalayaan Municipal Tourism Office.

