Posible pang lumampas sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang inflation sa bansa ngayong taon, bunsod pa rin ng pagsirit sa presyo ng langis at hidwaan sa Middle East.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort, maaaring bumilis ang inflation at lagpasan ang 4% target.
Mati-trigger umano ng mahal na langis ang mas mataas ring presyo ng pamasahe at production costs, na magpapamahal naman sa mga bilihin at serbisyo.
Sa ngayon, $98.32 na per barrel ang pandaigdigang presyo ng langis, batay sa West Texas Intermediate.
ADVERTISEMENT
Matatandaang nanatili sa 2% ang inflation noong Enero, mababa sa 2 hanggang 4% na target ng BSP, bago ito umakyat sa 2.4% noong Pebrero. (Denniel Salayo/News Light)

