Muling nanawagan ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) noong weekend, na huwag balewalain ang sintomas ng tuberculosis (TB) at kaagad na magpa-screening.
Batay kasi sa data ng Epidemiology Bureau, umabot na sa 101,807 ang naitalang kaso ng TB sa National Capital Region o NCR noong February 16.
Ayon sa DOH, nangunguna ang TB sa mga karamdaman sa bansa, ngunit nagagamot ito at may mga serbisyong pwedeng mapakinabangan.
Magpatingin na umano sa pinakamalapit na health center kapag may sintomas na, gaya ng pag-ubo ng dalawang o mahigit pang linggo na ang tagal, pananakit ng dibdib, trangkaso, panghihina, pagpapawis sa gabi, at weight loss. (Denniel Salayo/News Light)

