Posibleng tumaas ng hanggang ₱2 kada kilo ang ilang produktong agrikultura tulad ng isda at gulay kung mananatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa gulo sa Middle East.
Pero ayon sa Department of Agriculture (DA) hindi pa inaasahan ang malaking pagtaas ng presyo ng mga agri products sa loob ng susunod na dalawang buwan dahil nananatiling matatag ang supply.
Pero babala ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. posibleng maramdaman ang dagdag-gastos sa logistics at pataba kung magtutuloy ang krisis hanggang Mayo.
Mino-monitor ng ahensiya ang sektor ng pangingisda na sa ngayon ay marami pang huli pero inaasahang magtataas din ng presyo pagsapit ng lean season o tag-ulan kung kailan may kakulangan na sa supply.
ADVERTISEMENT
Handa namang mamagitan ang DA kung may biglaang pagtaas ng presyo at magpataw ng price cap sa imported rice na ibinibenta na ng halos ₱60 kada kilo.

