Mas kinokonsumo na umano ng mga Pilipino ang imported na bigas, at humihina na ang lokal na produkto sa domestic market, ani Deparment of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ayon kay Laurel, nadadaig na ng inaangkat na bigas ang local rice, kaya’t natatalo na ang market share ng bansa.
Tanging pagkukumbinsi na lamang sa mga traders na limitahan ang kanilang mga import ang magagawa umano ng Department of Agriculture.
Pahayag naman ng Federation of Free Farmers (FFF), may malaking pananagutan ang gobyerno kung bakit mas gusto na ng mga konsyumer ang imported rice, dahil sa mababang taripa at pagbebenta ng higit sa tamang presyo. (Denniel Salayo/News Light)

