Dalawa ang agad nasawi habang dalawa pa ang sugatan sa isang malagim na aksidente sa Maharlika Highway sa kahabaan ng Old Zigzag Road entrance sa Sitio Amao, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon nitong Miyerkules ng umaga.
Hindi matanggap ng pamilya ng mga biktima ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang mga kaanak sa nangyaring aksidente kahapon ng umaga.
Sa imbestigasyon ng Pagbilao PNP, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-10:15 ng umaga makaraang mawalan umano ng preno ang isang wing van truck na kargado ng mga feeds.
Isang anggulo din ang tinitingnan kung bakit nangyari ang insidente ay ang mechanical problem ng sasakyan, kung kaya nawalan ito ng kontrol at tuluyang nitong inararo ang isang multicab. (Kevin Pamatmat/News Light)
Dahil dito ay dead on the spot ang driver ng multicab maging ang helper ng truck.
ADVERTISEMENT
Habang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang sugatan.
Samantalang nahaharap ngayon ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

