News LightLatest News

Taas-pasahe sa mga PUV, epektibo na simula bukas

Bunsod ng sunod-sunod na malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo, inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan o PUV.

Carlene Latuna · · Updated · 2 min read

Bunsod ng sunod-sunod na malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo, inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan o PUV.

Simula bukas, March 19, epektibo na ang fare adjustments na inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr).

Para sa tradisyunal na jeep, ₱14 na ang minimum fare sa unang apat na kilometro at ₱2 na ang dagdag sa susunod na kilometro.

Para naman sa modern jeep, ₱17 na ang pamasahe sa unang apat na kilometro at ₱2.40 ang dagdag sa susunod na kilometro.

ADVERTISEMENT

Sa ordinary city bus, ₱15 na ang minimum fare habang ₱18 na ang sa air-conditioned city bus.

Nagtataas rin ang pamasahe sa mga provincial bus na ordinary, air-conditioned, deluxe, super deluxe, at luxury.

Sa airport taxi naman, ₱115 na mula sa ₱75 ang pamasahe sa unang 500 meters ng biyahe.

ADVERTISEMENT

Umabot naman sa ₱20 ang dagdag sa base fare ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS).

Para sa point-to-point buses, 15% ang dagdag base sa naunang pamasahe ng bawat ruta.

Sa ngayon, wala pang inanunsyong taas-pasahe sa UV Express at motorcycle taxis.

ADVERTISEMENT

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza, patuloy na mino-monitor ng ahensya ang paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado at magpapatupad ng bagong adjustments kung kinakailangan.

What do you feel about this article?