Kahit saan sa mundo, kilala ang Pilipino para sa kanilang malasakit sa kapwa.
Pinatunayan pa ’yan ng dalawang Pinay nurse managers na kabilang sa mga kinilala sa ikatlong Inspiration All Awards sa Barnet, London.
Pinarangalan sina Marian Gureng at Mary Vergara para sa kanilang itinatag na The Mum Club Barnet, isang support group para sa mga ina sa kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng The Mum Club Barnet, sinusuportahan ang mga bagong ina at binibigyan sila ng social network na makakatulong sa bagong yugto ng kanilang buhay.
ADVERTISEMENT
Ikinagalak mismo ni Cabinet Member for Culture, Leisure, Arts, and Sports, Councilor Anne Clarke ang pagkilala kina Marian at Mary na siyang nagpasimula ng The Mum Club Barnet.

