Panalo kontra Colombia ang Gilas Pilipinas Women para sa 2027 FIBA Women’s World Cup qualifier kahapon sa Astroballe in Lyon, France.
Sa final score na 74–59, nanaig ang Gilas laban sa world number 19 na Colombia.
Sa record na one win at 4 losses, isa itong breakthrough para sa Gilas Women.
Isang malaking hakbang para kay Kacey Dela Rosa na nakapagtala ng double-double record na 25 points at 19 rebounds.
ADVERTISEMENT
At si Sumayah Sugapong na umambag rin ng 21 points.
Ayon kay Sugapong, isa itong malaking hakbang sa larangan ng basketball dahil mga kababaihan ang nabigyan ng oportunidad upang makapaglaro sa malaking liga tulad ng FIBA. (Austin Gonzaga/News Light)

