Ipinakilala ng Reverb Worship ang bagong tinig na siguradong maghahatid ng inspirasyon at musika.
Sa official Facebook page ng Reverb, isang welcome remarks ang ibinahagi para sa singer-songwriter na si Pastora Andrea Badinas.
Sa darating na March 27, ilalabas ng Reverb ang debut single na pinamagatang “Ako’y Sa’yo.”
Layunin ng kantang ito na ipaalala sa bawat isa na sa kabila ng ating mga pagkukulang at kahinaan, ang pagmamahal ng Diyos ay nananatiling abot-kamay para sa atin.
Kilala sa kanyang natatanging boses, si Andrea na dati ring sumali sa reality singing competition na The Voice Teens Philippines.
ADVERTISEMENT
Ngunit higit sa kanyang talento, ang kanyang life testimony at kwento ng pagkakakilanlan sa Panginoon ang nagsisilbing tunay na inspirasyon sa kanyang mga tagasuporta.
Abangan at suportahan paglabas ng “Ako’y Sa’yo” sa lahat ng music major platforms. (Benedict Quejado/News Light)

