Aprubado na sa Kamara ang House Bill No. 8418 na naglalayong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para suspendihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Ang panukala ay inaprubahan sa ikatlo o huling pagbasa matapos umabot sa 247 na mambabatas ang bumoto pabor dito, habang tatlo naman sa mga ito ang tumutol.
Ito ay matapos na ipa-certify ng pangulo na gawing urgent ang naturang panukala upang mas mapabilis ang pagpasa nito bunsod ng tensyon sa Middle East.
Nakatakda namang maaprubahan ang panukala ng Senado ngayong araw ayon kay Senate President Tito Sotto ang panukala.
Sa ilalim nito, maaaring bawasan ang excise tax kapag umabot sa 80 dolyar kada barrel ang average price ng Dubai crude oil sa loob ng isang buwan, o kapag may national emergency na magdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis.
ADVERTISEMENT
Samantala, maaaring ipatupad ang suspension ng buwis nang hanggang anim na buwan.
Habang ang kapangyarihang ito ng pangulo ay may bisa hanggang December 31, 2028. (Pink Feliciano/News Light)

