News LightLatest News

Inflation at korapsyon, pangunahing alalahanin ng mga Pinoy – Pulse Asia survey

Pangunahing alalahanin ng mga Pinoy ang pagkontrol sa inflation at pagsugpo sa korapsyon sa bansa, ayon sa Pulse Asia survey para sa unang quarter ng taon.

Carlene Latuna · · 1 min read

Pangunahing alalahanin ng mga Pinoy ang pagkontrol sa inflation at pagsugpo sa korapsyon sa bansa, ayon sa Pulse Asia survey para sa unang quarter ng taon.

Karamihan sa mga Pilipino o 59% ng mga sumagot sa survey ang nagpahayag na pinoproblema nila ang pagkontrol sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Bago pa man ang pagsisimula ng sigalot sa Middle East na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, nagtala na ng mas mataas na inflation rate ang bansa noong Pebrero na umabot sa 2.4% ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Halos kalahati naman o 47% ang nagsabing national concern ang korapsyon sa bansa, at 36% naman ang nagsabing concern nila ang pasahod sa mga manggagawa.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ang survey noong February 27 hanggang March 2 na sinagutan ng 1,200 na Pilipino.

What do you feel about this article?