Isa nga sa ipinagmamalaki ng Pilipinas ay ang magagandang isla na makikita rito.
Napatunayan pa ’yan nang mapabilang sa “Best Islands” list ng DestinAsian Readers’ Choice Awards 2026 ang Boracay at Palawan Islands.
Itinanghal na 6th Best Island in Asia ang Boracay Island sa Aklan na kilala sa white sand beach nito.
Ika-siyam naman sa listahan ang Palawan Island na kilala naman sa mga limestone cliffs, lagoons, at syempre, ang Puerto Princesa Underground River na isa rin sa New 7 Wonders of Nature at UNESCO World Heritage Site.
ADVERTISEMENT
Ang DestinAsian ay isang award-winning travel at lifestyle magazine na kumikilala sa husay ng Asia-Pacific travel industry.
Sa pamamagitan ng Readers’ Choice Awards, pinagbobobotohan ng kanilang mambabasa ang best destinations, hotels, airlines, at travel experiences sa rehiyon.

