News LightLatest News

₱5,000 cash assistance para sa mga tricycle driver sa NCR, ipamamahagi na ngayong araw

Para masiguro ang food security sa bansa, tatanggap ng cash assistance ang mga magsasaka at mangingisda. Ayon ’yan mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay pa rin sa nararanasang epekto…

Jomar Villanueva · · 1 min read

Simula ngayong araw, tatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan ang mga tricycle driver sa National Capital Region.

Tumanggap na ng ₱5,000 na fuel subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang tricycle drivers na isinagawa sa Makabagong San Juan National Government Center sa San Juan City.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng cash assistance.

Aabot sa 139,000 na tricycle drivers ang inaasahang makatatanggap ng fuel subsidy sa 17 na LGU sa NCR.

Habang tatanggap din ng ₱5,000 sa mga susunod na araw ang Transport Network Vehicle Service o TNVS drivers.

ADVERTISEMENT

Sa sektor naman ng aeronautics, magpapatupad ang CAAP ng adjustments sa passenger service charge, landing, parking, at iba pang bayarin ng mga airline para bumaba rin ang gastusin ng mga pasahero.

Paiikliin din ang review ng fuel surcharge ng Civil Aeronautics Board mula 30 days hanggang 15 days para mapabilis ang adjustment sa presyo ng jet fuel.

What do you feel about this article?