Apat na politiko na ang lumapit kay Vice President Sara Duterte para sumali sa kanyang senatorial slate sa 2028 national elections.
Ayon kay VP Sara noong weekend, bagamat allergic siya sa mga politiko sa ngayon, maaari pa rin daw siyang ikonsidera ng mga ito sa halalan.
Hindi naman pinangalanan ng Bise Presidente ang mga politikong lumapit sa kanya gayundin ang kanyang magiging running mate.
Aniya, ito ay para maiwasan ang anumang political attacks sa indibidwal na posible niyang makatambal.
ADVERTISEMENT
Hinihintay pa umano ni VP Sara ang kumpirmasyon ng napili niyang running mate kung tatakbo ito sa pagkabise presidente.
Mababatid na inanunsyo ni VP Sara ang kagustuhang maging Pangulo ng Pilipinas noong nakaraang buwan — dalawang taon bago ang mismong halalan.

