News LightLatest News

MWSS, inihayag na may water rate hike sa ikalawang quarter ng 2026

May dagdag-pasanin po sa mga konsyumer sa Metro Manila at karatig-lugar dahil asahan po ang pagtaas ng singil sa tubig sa ikalawang quarter ng 2026 bunsod ng pagpapatupad ng Foreign…

Giselle Crazo · · 1 min read

Old garden tap

May dagdag-pasanin po sa mga konsyumer sa Metro Manila at karatig-lugar dahil asahan po ang pagtaas ng singil sa tubig sa ikalawang quarter ng 2026 bunsod ng pagpapatupad ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) para sa Abril hanggang Hunyo.

Magtataas ng ₱0.09 kada cubic meter ang singil ng Maynilad para sa West Zone na sumasaklaw sa 17 lungsod at bayan sa Metro Manila at Cavite.

Habang ₱0.04 naman kada cubic meter ang itataas ng Manila Water para sa East Zone tulad ng Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Pateros, Mandaluyong, San Juan, ilang bahagi ng Quezon City at Manila, at mga bayan sa Rizal.

What do you feel about this article?