InternationalLatest News

2 Pinoy, kabilang umano sa mga inaresto sa UAE dahil sa pag-post ng online content kaugnay sa air defense interception ng Dubai

Kabilang umano ang dalawang Pinoy sa mga inaresto sa United Arab Emirates (UAE). ’Yan ay matapos silang mag-post at mag-share ng content sa social media na may kaugnayan sa pag-atake…

Jomar Villanueva · · 1 min read

quay in Abu Dhab

Kabilang umano ang dalawang Pinoy sa mga inaresto sa United Arab Emirates (UAE).

’Yan ay matapos silang mag-post at mag-share ng content sa social media na may kaugnayan sa pag-atake ng Iran sa mga karatig bansa nito maging sa air defense interception ng Dubai.

Ayon sa Embada ng Pilipinas sa UAE, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad para kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng mga inaresto.

Hindi bababa sa 25 na indibidwal ang inaresto ng UAE authorities.

ADVERTISEMENT

Nauna nang nagbabala ang UAE tungkol sa pagpo-post at pagshi-share ng content na misleading lalo na kung may kaugnayan sa national security, pag-atake sa mga landmarks, at AI-generated posts.

Nagpaalala rin ang embahada sa mga Pilipino sa UAE na mag-ingat sa pagpo-post o sa pagpapakalat ng unverified o sensitibong impormasyon tungkol sa sigalot sa Middle East.

What do you feel about this article?