News LightLatest News

Unang batch ng mga Pilipino mula Iran, nakauwi na sa bansa

Nakauwi na sa bansa ang unang batch ng mga Pilipino mula sa bansang Iran. Sila ay siyam na mga Pilipinong dumaan sa repatriation ng pamahalaan kasunod ng sigalot sa Middle…

Jomar Villanueva · · 1 min read

Nakauwi na sa bansa ang unang batch ng mga Pilipino mula sa bansang Iran.

Sila ay siyam na mga Pilipinong dumaan sa repatriation ng pamahalaan kasunod ng sigalot sa Middle East.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nag-land travel muna ang mga Pilipino mula Iran patungong Turkiye saka lumipad patungong Pilipinas.

Pinasalamatan ng ahensya ang pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Iran at Turkiye para makauwi ang mga Pilipino.

What do you feel about this article?