News LightLatest News

Transport groups, sinabing kulang ang fuel subsidy ng gobyerno bunsod ng oil price hikes

Hindi umano sapat ang ayuda ng gobyerno sa mga public utility vehicle (PUV) driver para saluhin ang epekto ng nagtataasang presyo ng langis, ayon sa mga transport groups kahapon.

Newslight · · 1 min read

Hindi umano sapat ang ayuda ng gobyerno sa mga public utility vehicle (PUV) driver para saluhin ang epekto ng nagtataasang presyo ng langis, ayon sa mga transport groups kahapon.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, isinalaysay ni Manibela president Mar Valbuena na kalahati ng kita ng mga tsuper ang nawawala dahil sa mahal na gasolina.

Ani Valbuena, P400 hanggang P500 ang nalalagas sa kanilang kita; baka mas lumaki pa umano ang mawawala sa P800 na average nilang kita sa 12 hanggang 14 oras na pasada kung magpapatuloy pa ang krisis.

Kahit rin umano gaano pa kabilis ang paglalabas ng fuel subsidy ng pamahalaan, hindi umano ito sasapat dahil sa malaking itinalon ng presyo.

ADVERTISEMENT

Huling solusyon na ang P2 provisional fare increase, batay kay Valbuena—na sinuportahan naman ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) at mga UV Express drivers.

Sa P2.5 billion budget ng gobyerno para sa fuel subsidy, 55% dito ay para sa 247,760 na traditional at modern jeepneys, UV Express vans at TNVS units, 33% naman para sa 723,000 na tricycles, at 11% para sa 150,000 na delivery riders, ayon sa Department of Transportation (DOTr). (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?