News LightFeatured

Rank no. 8 most wanted person sa Laguna na may kasong carnapping, arestado

Sa isinilbing warrant of arrest ng Biñan Component City Police Station nitong March 9, 2026, arestado ang tinaguriang Rank No. 8 Most Wanted Person sa probinsya ng Laguna.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Sa isinilbing warrant of arrest ng Biñan Component City Police Station nitong March 9, arestado ang tinaguriang Rank No. 8 Most Wanted Person sa probinsya ng Laguna.

Kinilala ni PCOL Jonar R. Yupio, Provincial Director ng Laguna PPO, ang akusado na si alyas Tonyo, 54 taong gulang at residente ng Biñan City, Laguna.

Inaresto si alyas Tonyo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court, Branch 154, Biñan City, Laguna sa kasong paglabag sa RA 10883 o (New Anti-Carnapping Law).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan City Police Station ang arestadong akusado para sa kaukulang disposisyon nito. (Kevin Pamatmat/News Light)

What do you feel about this article?