Kinilala muli sa pandaigdigang entablado ang pagkamalikhain ng mga Pilipino!
’Yan ay matapos mag-uwi ng ikatlong karangalan ang isang mag-aaral mula sa Bukidnon sa isang art competition sa Italy.
Si Marianne Queen Estrosos, isang Bachelor of Secondary Education major in Social Studies student ng Bukidnon State University, ay itinanghal na Top 3 winner sa ilalim ng Painting and Drawing category ng ika-sampung International Art and Design Competition sa Florence, Italy.
Sa temang “Create your artwork with characteristics of Italian Renaissance”, iginuhit ni Marianne ang kanyang sarili sa estilo na base sa Mona Lisa ni Leonardo da Vinci.
Ayon kay Marianne, nakapokus ang kanyang artwork sa realism, balance, at human emotion.
ADVERTISEMENT
Dagdag niya, nais niyang lumikha ng koneksyon sa kanyang modern identity bilang young artist sa timeless na ideals ng Renaissance.
Congratulations, Marianne, at maging sa Bukidnon State University!

