News LightLatest News

PBBM, hindi pa rin interesadong sumali ulit sa ICC — Malacañang

Wala pa rin umano interes si Pangulong Marcos Jr. na muling sumali sa International Criminal Court (ICC), ayon sa Palasyo. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nitong Lunes, hindi…

Newslight · · Updated · 1 min read

Wala pa rin umano interes si Pangulong Marcos Jr. na muling sumali sa International Criminal Court (ICC), ayon sa Palasyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nitong Lunes, hindi pa rin umano nagbabago ang stance ng pangulo hinggil sa usapin.

Wala nang karagdagang detalyeng ibinigay si Castro.

Noong 2022, nilinaw ni Marcos na walang balak ang Pilipinas na umanib muli sa ICC; gayunpaman, halos isang taon ang makalipas, sinabi nitong pinag-aaralan na ang posibilidad ng pagsali muli at titignan pati ang iba pang pwedeng pagpilian.

ADVERTISEMENT

Walang ring kibo si Marcos sa isyu noong nakaraang taon, ngunit nagpahiwatig na nakikinig ito sa sentimyento ng publiko.

Kung hindi muling aanib sa ICC, magpapatuloy ang kawalan ng hurisdiksyon nito sa pagpapapanagot kay Pang. Marcos Jr. sa mga kinakaharap at kakaharapin nitong isyu sa Pilipinas. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?