Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay United States Undersecretary of War for Policy, Eldridge Colby at sa kanyang delegasyon sa New York para talakayin ang mga hakbang para paigtingin ang defense partnership ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa Presidential Communications Office, tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng regional security sa Indo-Pacific at ang mas pinatitibay na ugnayan ng Armed Forces of the Philippines at ng United States military.
Pinagtibay din ng magkabilang panig ang kanilang commitment sa Mutual Defense Treaty.
Samantala, patuloy naman ang koordinasyon at pagtutulungan para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon ng Indo-Pacific. (Pink Feliciano/News Light)

