Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na pinapayagan nila ang mga magsasaka, mga mangingisda at iba pang mahahalagang sektor na magpagasolina gamit ang kani-kanilang container.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin iniiwasan lamang umano nila ang hoarding ng mga pribadong motorista lalo na’t mataas ngayon ang presyo ng gasolina.
Samantala, iginiit rin ni Garin na maaring bawasan ang excise tax sa Abril sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

