Ganap nang tropical storm “Nuri” ang low pressure area na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,290 kilometro silangan ng Eastern Visayas, may hangin na 65 kilometro kada oras, at bugso na 80 kilometro kada oras, at patungong timog-kanluran.
Ang trough o extension ng bagyo ay magpapaulan sa bahagi ng Mindanao at ang northeast monsoon o amihan ay patuloy na mararamdaman sa Luzon at Visayas.
Maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, at Aurora.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains.
ADVERTISEMENT
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental at sa nalalabing bahagi ng Mindanao asahan ang maaliwalas na panahon na may mataas na isolated rainshowers at localized thunderstorms.
Habang sa Visayas naman at Palawan, bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains dulot ng northeast monsoon. (Austin Gonzaga/News Light)

