World-class pizza ba ang cravings mo for today?
Bakit hindi natin subukan ang dalawang Filipino pizzeria na pasok sa 50 Top Pizza rankings sa Asia-Pacific!
Top 5 ang Crosta Pizzeria sa Makati na kilala para sa kanilang sourdough-style round pizzas na gawa ni Filipino-Japanese chef Yuichi Abellare ito.
Itinanghal naman na Top 9 ang A Mano, isang Italian restaurant na naghahain ng classic at contemporary Italian cuisine.
ADVERTISEMENT
Noong 2024 at 2025 pa lamang ay napabilang na sa 50 Top Pizza list ang dalawang Filipino pizzeria.
Ang 50 Top Pizza ay isang online guide na binuo ng 50 Top Group sa Italy noong 2017 at naglalabas ng taunang ranking ng mga pinakamahusay na pizzeria sa mundo.

