News LightLatest News

VP Sara, naniniwalang posibleng makapagpadala ng eroplano para sa mga Pinoy sa Middle East

Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na may mga paraan upang matulungan ang mga Pilipinong na-stranded sa Middle East sa kabila ng tensyon sa rehiyon.

Newslight · · 1 min read

Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na may mga paraan upang matulungan ang mga Pilipinong na-stranded sa Middle East sa kabila ng tensyon sa rehiyon.

Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatigil sa ngayon ang repatriation efforts dahil sa pagsasara ng airspace sa ilang bahagi ng rehiyon.

Ayon kay Duterte, napakadali umano magpadala ng eroplano kung kailangan upang matulungan ang mga Pilipinong nais nang makabalik ng bansa.

Ibinahagi rin ng pangalawang pangulo na nakausap niya ang isang Pilipinong nasa Dubai na nakauwi na sa Pilipinas sa kabila ng patuloy na tensyon sa Middle East.

ADVERTISEMENT

Sa kasalukuyan, may ilang bansa na ang matagumpay na nakapag-repatriate ng kanilang mga kababayan sa Middle East, kabilang na ang Germany, Greece, France, Slovakia, Thailand at iba pa. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?