RegionalLatest News

Rank No. 3 regional level most wanted person na may kasong rape at acts of lasciviousness, arestado

Naghihimas na ngayon ng malamig na rehas ang isang lalaki matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng Laguna 1st Provincial Mobile Force Company sa San Pedro City.

Newslight · · 1 min read

Naghihimas na ngayon ng malamig na rehas ang isang lalaki matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng Laguna 1st Provincial Mobile Force Company sa San Pedro City.

Kinilala ni PCOL Jonar R. Yupio, Provincial Director ng Laguna PPO, ang akusado na si Alyas Froilan, 49 anyos at residente ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Force Commander PLTCOL Alexander S. Alvarez, matapos matukoy ang kinaroroonan ng akusado, agad silang nagsagawa ng operasyon kasama ang San Pedro City component police ganap na 9:40 ng gabi, March 6, 2026, sa Barangay Magsaysay, na nagresulta sa pagkakaaresto ng akusado.

Inaaresto si Alyas Froilan sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 170, San Pedro City, Laguna noong October 11, 2022, at Regional Trial Court, Branch 108, Cabuyao City, Laguna noong Agosto 26, 2022.

ADVERTISEMENT

Nahaharap ang akusado sa mga kasong rape by sexual assault, 5 counts of rape na walang kaukulang piyansa, at acts of lasciviousness. (Kevin Pamatmat/News Light)

What do you feel about this article?