Muling bumida ang talento ng Pilipino sa pagkukuwento!
‘Yan ay matapos magkamit ng parangal ang bagong pelikula ni Direk Jun Robles Lana, na “Sisa”, sa Fantasporto International Film Festival 2026 sa Portugal.
Nagwagi ng Best Screenplay Award ang historical thriller at comeback film ng batikang aktres na si Hilda Koronel.
Ayon kay Direk Jun, isang karangalan ang kilalanin ang istorya ng pelikula, kaya iniimbitahan niya ang publiko na panoorin ang “Sisa”, na ipinapalabas ngayon sa mga sinehan.
ADVERTISEMENT

