News LightLatest News

Marcos Jr.: ‘Paepal’ sa pagbibigay ng ayuda, ipinagbabawal na

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na pinapayagan ang anumang pamumulitika o mga pang-“epal” na gawain ng mga pulitiko sa pagbibigay ng ayuda.

Newslight · · 1 min read

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na pinapayagan ang anumang pamumulitika o mga pang-“epal” na gawain ng mga pulitiko sa pagbibigay ng ayuda.

Ayon sa pangulo, nakasaad ang “Anti-Epal Policy” sa memorandum circular ng Department of Interior and Local Government (DILG) at sa mga probisyon ng General Appropriations Act kung paano dapat gamitin ang pondo ng bayan.

Ang pahayag na ito ay tugon sa reklamo ng isang netizen na kailangan pa umano ng mga senior citizens na maghintay ng matagal dahil sa pagdating ng mga pulitiko bago maipamahagi ang ayuda.

Iginiit ni Marcos na dapat agad na maibigay sa mga benepisyaryo ang tulong ng pamahalaan nang walang anumang pagpapabida ng mga opisyal. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?