News LightLatest News

Marcos Jr., lumipad patungong US para sa kanyang working visit

Nasa New York City na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang working visit doon.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Nasa New York City na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang working visit doon.

Pangunahing pakay ni Marcos Jr. ang mga high-level engagements sa United Nations (UN), kabilang na ang pagpapanawagan sa mga bansa sa Middle East na huminahon sa gitna ng tensyon doon.

Kasunod naman ng International Women’s Day kahapon, lalahok ang pangulo sa 70th session ng UN Commission on the Status of Women.

Makikipagpulong din si Marcos Jr. kay UN Secretary-General Antonio Guterres.

ADVERTISEMENT

Kasama niyang nagtungo roon si First Lady Liza Araneta Marcos.

Habang magsisilbing caretaker ng bansa sina Executive Secretary Ralph Recto, Education Secretary Sonny Angara, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, habang hindi pa nakauuwi ng bansa ang pangulo.

What do you feel about this article?