News LightFeatured

Usapin sa teritoryo, tinalakay ni Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae Myung

Isa ang usapin sa teritoryo sa mga tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae Myung kasunod ng pagbisita nito sa Pilipinas.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Isa ang usapin sa teritoryo sa mga tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae Myung kasunod ng pagbisita nito sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos Jr., nagkasundo ang dalawang bansa sa kahalagahan ng pagsunod sa international law para mapanatili ang kaayusan sa pagitan ng mga bansa sa kabila ng mga geopolitical issues.

Kabilang din ang tensyon sa Middle East sa mga tinalakay ng dalawang lider.

Ayon naman kay Lee, paiigtingin ng Pilipinas at South Korea ang kooperasyon sa pagtatayo ng imprastraktura at defense industries.

ADVERTISEMENT

Balak ng dalawang bansa na palawakin pa ang ugnayan nito pagdating sa teknolohiya, artificial intelligence, nuclear energy, police investigations — bagay na nakapaloob sa 10 memorandum of understanding na nilagdaan ng dalawang lider.

What do you feel about this article?