Bilang pagbibigay-halaga sa mga kababaihan at sa kanilang papel sa ating komunidad, handog ng iba’t ibang lokal na pamahalaan at organisasyon ang mga libreng serbisyo at masasayang aktibidad ngayong National Women’s Month.
Sa darating na March 8 o International Women’s Day, libreng sakay ang handog ng MRT-3 sa mga babaeng pasahero.
Para sa mga babaeng pasahero ng LRT, mamimigay ng planner, personalized pen, at reusable food keeper sa Antipolo Station sa March 6, sa Araneta Center-Cubao sa March 10, at sa Legarda sa March 13.
Nasaan naman ang mga kaakibat na mahilig tumakbo? Pangungunahan ng Commission on Elections ang Healthy Democracy Fun Run sa Parañaque City sa March 10 bilang parte ng Women’s Month at pagsuporta sa breast cancer warriors.
Sa Iloilo, ibibida ng Tiendas Illongas ang women-led micro, small and medium enterprises pati ang mga agricultural at fishing products mula sa mga lokal na kababaihan.
ADVERTISEMENT
May handog rin silang libreng legal assistance, cancer screening, at laboratory services para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
Bukod dito, may Bida Ilongga Job Fair na gaganapin sa March 12.
Happy National Women’s Month at abangan ang marami pang aktibidad at libreng serbisyo para sa mga kababaihan ngayong buwan.

