InternationalLatest News

EDCA sites sa Pilipinas, nananatiling walang banta kasunod ng tensyon sa Middle East ayon sa DND

Walang nakikitang banta ang Department of National Defense (DND) pagdating sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Walang nakikitang banta ang Department of National Defense (DND) pagdating sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Kasunod iyan ng pagputok ng tensyon sa Middle East noong weekend kung saan nagpalitan ng air strike ang magkakamping US-Israel laban sa Iran.

Mababatid na pinunterya ng Iran ang mga military facilities ng US sa mga karatig nitong bansa sa Middle East.

Ayon kay DND spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong, ang tensyon sa Middle East ay sa pagitan lamang ng mga bansang naroroon, at hindi nakikisali ang Pilipinas sa sigalot doon.

ADVERTISEMENT

Hindi rin aniya maituturing na US bases ang mga EDCA sites dahil ito ay Philippine facilities at ginagamit para sa training, humanitarian efforts, disaster relief, defense, at security.

Kinumpirma rin ni National Security Adviser Eduardo Año na walang kumpirmadong banta sa mga EDCA sites maging sa buong bansa.

What do you feel about this article?