News LightLatest News

DOTr at LTFRB, inaayos na ang fuel subsidy para sa mga PUV driver at operator bunsod ng tensyon sa Middle East

Handa umano ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbigay ng fuel subsidy sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators sakaling magtuloy-tuloy…

Newslight · · 1 min read

Handa umano ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbigay ng fuel subsidy sa Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators sakaling magtuloy-tuloy ang pagsipa ng presyo ng petrolyo dulot ng digmaan sa Middle East.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, aabot sa P2.5 billion na fuel subsidy ang ipapamahagi agad ng kanilang ahensya kung sakaling sumipa ang presyo ng krudo sa $80 per barrel.

Dagdag pa ng kalihim, inatasan niya ang mga road sectors upang simulan na ang documentation at pagpoproseso nito upang madali na itong maipamigay kung sakaling mangyari ang mas malalang pagtaas ng produktong petrolyo.

Posibleng dinggin na rin ng LTFRB ang dagdag-pasahe sa mga public utility vehicles at pinag-aaralan umano nila ang lahat ng ito. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?