Naglunsad ang Office for Transportation Security at Philippine National Police Aviation Security Group ng pilot implementation ng isang non-lethal restraint device para sa mga airport checkpoint sa buong bansa.
Isinagawa ang demonstrasyon kahapon upang palakasin ang aviation security matapos ang insidente ng isang pasaherong may dalang kutsilyo sa Iloilo International Airport.
Layon ng distance-based tool na mapigil ang agresibong indibidwal nang hindi gumagamit ng nakamamatay na puwersa.
Hango ito sa Japan’s “sasumata” at dinesenyo para sa containment na hindi maaaring gamitin sa parusa, pananakot, o anumang mapanlamang na layunin.
ADVERTISEMENT
Sasailalim sa pagsasanay ang mga awtorisadong personnel, at mahigpit na ipatutupad ang paggamit nito para sa self-defense at agarang pag-kontrol ng banta.
Bahagi ito ng hakbang ng ahensya alinsunod sa direktiba ni PBBM na paigtingin ang seguridad sa mga paliparan habang pinangangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mga pasahero. (Pink Feliciano/News Light)

